BAKBAKAN NA NAMAN ANG BATCH 86 VS 89
Kapana-panabik na mga laro ang matutunghayan sa pagpapatuloy ng Palarong Alumni 5. Sa darating na linggo Enero 29, 2012 matapos ang laban ng Batch 83 at 85 sa unang laro at Batch 87 at 88 naman sa pangalawang laro ay maghaharap ang Batch 86 na may 2 panalo laban sa Batch 89 na mat 2 talo at wala pang panalo. Matatandaang ang Batch 89 ang nagpabagsak sa Batch 86 noong 2009 Palaro sa isang do or die game. Isang panalo na lang ang kailangan ng Batch 86 para sa Top 1 Slot ngunit sa pagkatalong iyon ay naging Top 6 dahilan na di makapasok sa Final 4 . Ngunit may anomalyang nangyari noon na sinamahan pala ng ilang Batch 90's ang nasabing koponang Batch 89. Sa mga sumunod na laro noong 2010 na sila ay Red Jersey at 2011 sa kanilang Yellow Jersey ay di na nanalo pa ang Batch 89 sa magkasunod na blue jersey ng Batch 86. Pinag-aaralan ng Batch 89 ngayon ang kanilang gagawin upang madaig ang Defending Champion Batch 86. Kamakailan lamang sa laban ng Batch 86 at Batch 88 ay nagmasid ang Batch 89 sa mga kilos ng Batch 86 upang mapaghandaan sa darating na Linggo Enero 29 ng taong kasalukuyan. Sasandig pa rin ang Batch 89 sa kanilang Ace player na si Dalafu katulong sina Peralta at Sumait. Kapansin pansin ang mga di nakalaro na sina Cabigao at Ong noong nakaraang linggo. Paghahandaan nila ang lakas sa ilalim ng Batch 86 veteran na sina Velasco at Ducusin at ang bilis nila Ison, Grenio at Clemente. Tila wala pang lehitimong point guard ang Batch 89 sa kanilang opensa at maaaring samantalahin ito ng batch 86 ace point guard na si Agcopra na labas at loob kung bumuslo. Di matatawaran ang liksi ni Batch 86 na si Fajardo na sa kaniyang laki ay tila Dirk Nowitzki kung bumuslo ng bola. Maaring gamitin din ng batch 89 sina Ibiel sa point guard na maganda ang ipinakita noong nakaraang linggo. Pader namang maituturing si Almonte ng batch 86 sa kaniyang depensa. Sino naman ang di hahanga sa lakas ng idol ng bayan na si Ramon Flores IV ng Batch 86 na tinaguriang "ang bumangga giba!" sa kaniyang mga acrobatic hoops at lay ups. Kinakitaan naman ng galing si Vargas sa kalagitnaan ng laro para sa Batch 89 ngunit minamalas ito sa mga krusyal na sandali sa pagtatapos ng laro. Kahanga hanga rin ang mga bitaw ni Perocillo at Peralta para sa 89 kaya tiyak na magiging makapana-panabik ang larong ito. Sa Battle of the 90's naman ay may laro sa sabado Enero 28, 2012 at maghaharap ang walang talong Batch 92 sa dalawang talo at wala pang panalo na Batch 94. Ang Batch 94 ang tinaguriang kampeon noong 2010 at tinanghal na MVP si Eddie Boy dela Cruz na ala Kobe Bryant ngunit kakaibang lakas naman ang ipinakikita ni Masbad na mala Alonzo Mourning para sa Batch 92 na nagbabalik sigla sa laro kaysa noong nakaraang taon kaya isa na namang aabangan laro ang di dapat mapalampas. Susunod dito ang laban ng Batch 93 at Batch 98 na may 1-1 parehong rank. Tutunghayan natin dito ang mga bitaw sa perimeter ni Añonuevo na mala Reggie Miller at ang kaliweteng si Galinato na para sa Batch 93. Di naman tiyak pasasapaw ang Ace point guard na si Farrales sa kaniyang mala Magic Johnson assist para sa Batch 98 katulong ang mala Derek Rose na bilis ni Casakit sa fastbreak. Kaya mga ka alumni at kaibigan kung walang magawa manood na ng Palarong Alumni 5 na gaganapin sa Doña Isaura Covered Court at Jonaville Covered Court.
BATTLE OF THE 90's GAME RESULTS
January 21, 2012 (Saturday)
Batch 99 vs 98 scores (83-81) 99 wins
Batch 95 vs 96 scores (90-81) 95 wins
January 22, 2012 (Sunday)
Batch 97 vs 2000 scores (83-78) 97 wins
Batch 91 vs 93 scores (91-85) 91 wins
Batch 92 vs 90 scores (68-48) 92 wins
Batch 98 vs 94 scores (75-67) 98 wins
GAME ON SUNDAY JANUARY 29, 2012
1:00 pm - 2:30 pm ----- Batch 83 vs Batch 85
2:30 pm - 4:00 pm ----- Batch 87 vs Batch 88
4:00 pm - 5:30 pm ----- Batch 86 vs Batch 89
Jonaville Covered Court
BATCH 85 bumawi! Batch 89 wala pang panalo
Bumawi ang Batch 85 mula sa kanilang talo laban sa Batch 86 noong nakaraang linggo. Tinalo nila ngayon ang Batch 84. Sa panimula ng laro ay naging dikdikan ang laban. Nakikipagsabayan sa rebound si Pingol at Ibarra ng 84 sa rebound plays laban kay Pablo at Sorra ng Batch 85 at kumakamada naman si Angeles para sa 84. Di pa dumadating noon ace player ng 85 na si Martinez pero kinakitaan naman ng kontribusyon sina Bilaw at Alano para sa Batch 85 sa kanilang quality minutes playing time. Kumamada ng husto si Chua ng 84 sa kaniyang mga bandang tira at fastbreak. Dikitan lamang ang laban ng matapos ang 1st quarter sa 16 all at second quarter sa 31-29 hawak ng Batch 84 ang kalamangan. Pagpasok ng 3rd quarter ay dito na nagpakitang gilas si Martinez na kararating lamang at Dalistan ng 85 sa kaniyang mga lay up. Napakalbilis naman ng mga fast break ni Orara at Valenzuela para sa Batch 85 pa rin. At nagtrabaho ng husto si Manalnsan. Nadepensahan ng husto ni Martinez sina Chua at Ibarra ng Batch 84. Natapos ang laro sa iskor na 83-52 panalo ang Batch 85 upang makuha ang 1-1 panalo at talo at bumagsak ang Batch 84 sa 0-2 na wala pang panalo. Sa unang laro ay muling natalo ang Batch 89 laban sa Batch 87. Mapapansing nag concentrate ang batch 89 sa mga sa kanilang mga bagong ace players nilang sina Dalafu at Peralta. Tanging sa loob lamang sila kumukuha ng iskor at iilan lamang ang tumitira sa perimeter na gaya nila Vargas at Ibiel. Napababa na ng Batch 89 ang kalamangan sa siyam mula sa katorse sa tira ni Perocillo ng tres at agaw at nalay up ni Peralta ngunit dito na tinimunan ni Ferrer ng kaniyang koponang 87 sa kaniyang mga assist kina Herrera at Peralta ng 87 sa huling dalawang minuto kung kaya nalamangan na muli nito ang Batch 89 ng sampu. Di na umubra ang mga tira sa labas ni Vargas ng 89 na halos kapos dahil sa matinding depensa ng 87 sa mga huling segundo hanggang sa gumradweyt ang huli. Natapos ang laro at natalo ang Batch 89 upang malasap ang pangalawang kabiguan sa laro. Naipanalo naman ng batch 87 ang kanilang unang laro sa pagpapatuloy ng Palarong Alumni 5.
BATCH 86 UMUUSOK!
Muling naglagablab ang Batch 86 Peers Team sa pagpapatuloy ng Palarong Alumni 5 ng talunin nito ang favorite Team Batch 88. Lumamang lamang ang Batch 88 sa iskor na 5-3 sa pagsisimula ng 1st quarter at ng malamangan na ito sa sunod sunod na buslo ni Ison ng Batch 86 ay di na nakabawi ang Batch 88. Natapos ang 1st Quarter sa iskor na 16-10 at 11 puntos dito ang kay Ison. Pagpasok ng 2nd quarter ay bumawi naman ang 88 sa mga inside play ni Torres at Mendoza at kumamada naman sa labas si Cunanan sa mga magagandang assist na ibinibigay ni Alforque. Bumawi naman sina Flores at Velasco sa loob at Agcopra naman sa labas. Naitabla ng Batch 88 ang laban sa 28 all sa pagtatapos ng second quarter. Binalasa muli ng Coach Jun Arceo ng Batch 86 ang team upang malamangan muli ang Batch 88 at dito na nagpakitang gilas si Agcopra sa kaniyang mga three point Shot maging si Flores ay nakagawa na rin sa tres. Binantayan na ng husto si Ison at di na nakagawa ang huli. Tulong tulong naman sina Fajardo at Ducusin sa pagkuha ng rebounds at depensa naman ang higanteng si Almonte. Sa pagpasok ng 4th quarter ay bahagyang humabol ang Batch 88 sa mga penetration ni Point Guard Alforque at tres ni Cunanan at powerplay ni Torres at John Paul sa loob sa iskor na 40-36 lamang pa rin ang Batch 86 may 5 minuto sa laro. Mabilis na umusad ang Batch 86 sa dalawang fast break points ni Agcopra at Grenio at nalamangan na ng walo ng Batch 86 ang Batch 88. Sa pagpasok ng 2 minuto ay may iskor na 50-42 walo pa rin ang lamang ng Batch 86. Di naipasok ni Torres ng 88 ang bola sa depensa ni Almonte kung kaya napunta sa Batch 86 ang posesyon. Inikot ng Batch 86 ang bola at ng mauubos na ang shot clock ipinasa ni Agcopra kay Velasco sa kanang gilid at ubod lakas na itinira ng mala tomahawk layup sa pagtunog ng shotclock buzzer na pumasok dahilan upang lumamang ang Batch 86 ng sampu sa iskor na 52-42 may 1:20 nalalabing oras sa laro at nag time out na ang Batch 88. Sa nalalabing oras ay gumana sina Ducusin sa loob at perimeter sa labas ni Fajardo, powerlayup ni Flores at dalawang crucial free throws ang ginawa ni Velasco upang lumamang ang Batch 86 sa iskor na 66-55 may 29 segundo sa laro. Mapapansing nagtulong tulong talaga ang Batch 86 sa pag titimon ni Coach Arceo at Consultant Sagum. Natapos ang laro na di natinag ang iskor sa 66-55 upang makuha ng Batch 86 ang 2-0 panalo at bumagsak naman sa 1-1 panalo talo ang Batch 88.
BATTLE OF THE 80'S SUNDAY SCHEDULE JAN 22, 2012
FIRST GAME
1:00 pm - Batch 87 vs Batch 89
SECOND GAME
2:30pm - Batch 86 vs Batch 88
THIRD GAME
4:00 pm - Batch 84 vs Batch 85
Note: Warm up time 20 minutes before the exact time schedule
Jonaville Covered Court Nagkaisang Nayon QC
BATCH 86, 83 AT 88 UNANG PANALO SA PALARONG ALUMNI 5
Nagwagi ang Defending Champion Batch 86 team laban sa Batch 85 sa pagbubukas ng unang laro ng Battle of the 80's. Kumamada sina Flores, Ison at Velasco ng 86 sa unang yugto, Naging dikitan ang laban at gumanti sina Martinez at Manalansan ng 85. Nalamangan ng anim ng batch 86 ang batch 85 sa pangalawang yugto at gumawa naman sina Ducusin at Agcopra at Fajardo upang matulungan si Velasco. Lumayo ang kalamangan sa pangatlong yugto sa iskor na 72-50. Pinilit humabol ni Martinez ng 85 ng magpasabog ang huli ng 6 puntos upang mapababa ang kalamangan sa 72-56. Sumagot naman sina Ceriola at Clemente ng 86 sa kanilang mga short jumpers, Sa pagpasok ng fourth quarter ay umarangkada ang mga 3 points ni Manalansan at Urara ng 85 sa iskor na 73-62 may 7 minuto sa laro. Muling sumagot ng mga puntos si Flores, Velasco at Fajardo. Bumawi naman muli si Martinez at Pablo upang bumaba ang kalamangan. Sa huling apat na minuto ay humahabol na ang Batch 85 sa mga power play ni Martinez ngunit ng ipinasok si Ison ay nagpasabog ang huli ng 10 puntos sa kaniyang back to back perimeter shots na walang depensa mula sa Batch 85 at dito na naubusan ng oras ang naghahabol na Batch 85. Nanalo ang Batch 86 kontra Batch 85 sa iskor na 86-73. Sa ibang mga Laro ay nanaig ang Reinforced Batch 83 sa Batch 84. Sa umpisa ay nalamangan ng Batch 84 ang 83 ngunit ng ipinasok na ang mga beteranong sina Ely at Lagarde na nagpamalas ng mga outside shots ay nalamangan ng tuloy tuloy ang Batch 84. Hirap na maiangat ni Angeles ng 84 ang kaniyang koponan kung kaya tumiklop na ito sa huling yugto dahil na rin sa mga higante ng Reinforced 83 na sina Ely, Analupa at Bauda . Sa huling laban ay di kinakitaan ng sigla ang Batch 89 kontra batch 88. Maaring di pa nag chemistry ang kanilang koponan at nag kaniya kaniya pang galaw sa laro. Nagulat ang Batch 89 sa ipinakita ng Batch 88 na magandang laro. Naging maganda ang pagdadala ng bola ni Alforque sa kaniyang koponang Batch 88. Tila di tumatanda si Torres at Castillo ng 88 sa inside the paint. Kinakitaan din ng mga perimeter shots ang Batch 88.Sa pagtatapos ng 3rd quarter ay mapapansin ang iskor na 60-28 lamang ang batch 88. Sa kabila ng mga bagong manlalaro ng Batch 89 na sina Dalafu, Peralta at Ong ay tinambakan pa rin ng Batch 88 ang Batch 89 sa iskor na 69-53
PALARONG PABLIK ALUMNI PART 5
Palarong Alumni ng Pablik Pang lima na!
Opisyal na magbubukas ang Palarong Pablik sa Enero 15, 2012 na gaganapin sa Doña Isaura Covered Court.Ito ang taunang Palaro ng mga Alumni ng Novaliches High School sa Quezon City. Pinamunuan ng Batch 83 bilang Host ang mga laban ng 80's na kinabibilangan ng Batch 83, 84, 85, 86, 87 88 at 89 samantalang pinamunuan naman ng Batch 91at 92 ang mga labanan ng 90's na kinabibilangan ng Batch 90, 91, 92, 93, 94, 95, 96, 97, 99 at 2000. Mapapansin na di na sumali ang Batch 82 at Batch 98 na kasalukuyang di pa nakakapag desisiyon kung sasali. Ang mga laban ng Batch 80's ay gaganapin sa JonaVille Covered Court samantalang sa Doña Isaura Covered Court naman ang 90's. Ito ang kauna-unahang nahati ang pag hohost ng Palaro dahil na rin sa dumaraming teams na sumasali.
Naghahanda na ang mga nanalong team noon na Batch 86 sa Battle of the 80's at Batch 97 naman para sa Battle of the 90's. Target ng mga ito ang Back to Back Champion. Sisikapin naman ng mga katunggali na labanan ang mga nasabing kampeon upang maagaw ang korona sa mga ito. Tiyak kapana panabik ang mga laban sa taong ito ng Water Dragon 2012 kaya't manood na ang lahat at maglagari na sa bawat venue at abangan ang paborito niyong teams. Libre lang ang panonood.
BATCH 86 KAMPEON SA UNANG PAGKAKATAON BATCH 97 NAMAN KAMPEON SA 90'S
Nag kampeon na rin sa wakas ang Batch 86 sa apat na taon na paghihintay. Naging maganda ang laban at dikitan sa unang yugto ng labanan. Nagpakitang gilas si Ison sa kaniyang 7 points sa unang apat na minuto ng laro at dinipensahan ang matitikas na si Ripo ng Reinforced 83. Di naman nagpaawat si Adolfo at Lagarde ng Reinforced 83 sa kanilang mga three points shots. Sadyang napakalaki ni Bauda at Ely kaya't nahirapan ang Batch 86 sa loob lumamang pa ng apat ang Batch 83 sa 2nd quarter sa iskor na 36-32. Naitabla naman ito nila Fajardo at Agcopra sa 36 all may 3 minuto sa ikalawang yugto. Dinaan ng Batch 86 ang labanan sa depensa at takbuhan upang mapagod ang Reinforced 83. Kumana si Velasco at Fajardo ng mga perimeter shots at ilang under goal. Sa pagtatapos ng 3rd quarter ay may score na 55-46 lamang ang Batch 86. Sa pagpasok ng 4th ay nagpakitang gilas si Adolfo at Lagarde ng 5 puntos para sa 55-51 may 8 minuto sa laro. Tumawag ng timeout si Coach Junar Arceo upang balasahin ang kaniyang mga manlalaro. Nagbunga naman ito sa mga lay up ni Agcopra at three points ni Poliquit. Umakyat ang score sa 51-42 napako ng limang minuto ang Reinforced 83 sa score na 51 at na break lang ito ni Bauda sa isang put back may 5 minuto na lamang sa laro. Sa huling apat na minuto ay bumato ng dalawang tres si Adolfo at perimeter si Analupa upang mapababa ang kalamangan ng Batch 86 sa anim 62-56 kasama na dito ang sureball na freethrows ni Ely. Dito na ginamitan ng oras ng 86 ang laro. Pumasok ang mga layup ni Grenio at give and go ni Agcopra at pumukol ng mga perimeter si Velasco sa right side. Naubos na ang oras at di na nakahabol ang Reinforced 83. nagkaroon pa ng kaunting pisikal na laro sa pagitan ni Bauda at Reyes. Bumagsak din sina Flores, Ducusin at Reyes ng Peers of 86 sa mga depensa ng Reinforced 83. Matinding depensa rin ang ibinigay ni Grenio kay Lagarde na spotter ng Reinforced 83 kung kaya di na naka porma ito upang maghabol. Nanalo ang Batch 86 sa iskor na 76-63. Sa unang mga laro ang nagkampeon din ang Batch 97 kontra sa Batch 90 battle of the 90's. Sa unang yugto ay dikitan lamang ang laban. Sa kalagitnaan ng laro ay di nakayanan ng Batch 90 ang bilis ng mga batang players ng 97. Humataw ng husto ang mga shooters ng 97 na sina Admana at dela Cruz. Di rin mapigilan ang ala Kukoch na laro ni Dasigan na sentro ng Batch 97 na kahit sa labas ay pumupukol. Nahirapan ang 90 sa pagtitimon ng bola. Wala kasing lehitimong Point Guard ang Team. Lubhang nasusukol si Medallo ng 90 ng mga depensa ni Talosig at Noble na makailang beses na maagawan ito ng bola sa double team defense. Malaking tulong din sa loob ang pangangatawan ni Panis na nagsilbing tanke inside the paint sa depensa ng Batch 90. Pinilit ding maghabol ng hotshots na si Penaranda at dela Cruz ng 90 ngunit sadyang mabibilis sa fastbreak ang Batch 97. Nadepensahan ng husto si Ferrer ng 90 kung kayat kaunti lamang ang nagawa nitong puntos laban kay Dasigan na natapal nito ang una. Naging mabagal naman ang opensa ni Manalac at Caballero sa kalagitnaan ng 3rd quarter na may score na 68-48 lamang ng 20 puntos ang Batch 97. Ikinasiya ng mga manonood ang pagpasok ng mga bench players ng 97 sa huli na nagpakitang gilas din sa pagpukol ng bola sa labas. Sa bandang huli ay ipinasok na ng 90 ang kanilang mga bench players bilang pagsuko sa Batch 97. Natapos ang laro sa iskor na 83-64.Pumangatlo naman sa Battle of the 80's ang Batch 87 kontra Batch 85 sa isang pisikal na labanan. Di naman naglaro sa ang Batch 94 at 98 para sa third kung kaya nabakante na lamang ito. Naging MVP si Velasco para sa 80's at si Noble naman para sa 90's. Bago magsimula ang paliga ay nagpractice ang dalawang koponan na ito ang Batch 86 at Batch 97 sa Capri Covered Court Tinalo ng two times ng 97 ang 86 sa isang puntos lamang na kalamangan. Maari nating sabihing isang pre monisyon ito kaya silang dalawa ang nag kampeon sa 2011 Palarong Pablik. Sa susunod na Palaro 2012 ay inako ng Batch 83 Coach Lugtu ang Hosting. Maaring gawin ito sa Villa Nova Basketball Court. Maaring kunin naman ng Batch 92 ang bracket ng 90's Teams bilang Host at maaring sa Isaura gawin ang laro para rito. Maghintay lamang tayo ng update sa mga darating na buwan , inaasahang magkakaroon ng bracketing system sa Category 90's dahil sa pagpasok ng iba pang mga teams ng Batch 2000's.
Batch 97 versus Batch 90 SA Finals
Tinalo ng Top 1 Batch 97 ang Top4 Batch 94 sa kanilang Semis Match up. Di na naipagtanggol ng Defending Champion Batch 94 ang kanilang korona laban sa mabibilis na Batch 97 na may NBA Bulls replika para sa kanilang Jersey. Makakalaban nito ang isa pang nanalo sa ibang Semis game. Ito ang pinakamatandang Batch sa kanilang Bracket ang Batch 90. Tinalo nito ang mas batang Batch 98. Gaya ng unang naiulat na ginamitan ng beteranong laro ng mga Batch 90 ang mga batang Batch 98. Mas humataw sa half court game ang Batch 90 malalaki kasi ang mga ito. Gumana sa depensa sina Caballero at Ison. Kinakitaan naman ng galing sa opensa sina Garchie Ferrer at ang nag step up na si Rod dela Cruz. Napipigilan din ang fastbreak ng mga Batch 98 sa magandang depensang ipinakita ng mga manlalaro ng Batch 90. Lima lang ang lamang ng Batch 90 sa 98 pagkatapos ng laro. Inaasahan na magiging maganda ang labang ito sa Finals. Batch 97 versus Batch 90. gaganapin ito sa Bgy Capri Covered Court sa ganap na 1:00 ng hapon. Bago ito ay maglalaban naman ang Batch 98 at Batch 94 sa ganap na alas 9:00 ng umaga para sa Battle for third.
SUNDAY SPECIAL
Sa darating na linggo na ang Finals ng Palarong Pablik. Gagawin ito sa Capri Covered Court sa ganap na alas nuebe ng umaga. Inaasahan ang napakaraming manonood at maaring maubusan ng Parking Area ang may mga dalang sasakyan. Ang maapektuhan sa sikip ng Parking ay kung maari ay iparada na lamang sa ibang lugar at lakarin na lang ang ating venue. Ang Capri Court ay balita sa napakaraming manonood. Isa ito sa kanilang libangan tuwing linggo ang panonood ng Basketball. Tiyak dudumugin ang ating Arena upang mapanood ang laban ng mga NHS Alumni Athletes na hinahangaan na ng mga kasalukuyang estudyante ng Novaliches High School. Paano naman, dito makikita ang mga walang kamatayang veteran moves nila Analupa at Bauda ng 83 at Velasco at Ducusin ng 86. Isama pa rito ang mala air jordan na lay up ni Poliquit ng 86 at ang mga Vintage three points ni Lagarde. Inaasahan din ang galing ng mga Batch 90, 94 97 at 98 sa kanilang mga laro na kitang kita pa rin ang gilas at lakas ng pangangatawan. Marami ng Batch 2000 above ang nagaabang ng Palaro sa isang taon at maaari na silang sumali. Hahawakan ng Batch 83 ang nasabing Palro 2012 maaring isagawa ito sa Villa Nova Covered Court. Kaya sa mga di pinalad na mga Batches na makapasok sa Final 4 ay ilang buwan na lamang e sasabak na muli sila sa laro. O paano mga kaibigan manood na sa ating Sunday Special. magdala na kayo ng mga Pop Corn at mani. At gagawin na rin dito ang Awarding at turn over ng Host Team Batch 84. Applause Applause!!.
BATCH 91 AT 95 LAGLAG, FINAL 4 BUO NA
Natalo kagabi May 25, 2011 ang Batch 91 sa Batch 94 sa iskor na 96-91. Sa pangyayaring ito ay nalaglag na rin ang Batch 91 at ang naghihintay ng 3-way tie na Batch 95. Kasado na ang Final 4 ng Battle of the 90's. Lalabanan ng Top 1 Batch 97 ang Top 4 Defending Champion Batch 94. Sa kabilang Semis ay lalaban naman ang Top 2 Batch 98 sa Top 3 Batch 90. Mangyayari ang labanang ito sa darating na sabado May 28, 2011. Magiging maganda tiyak ang labanang ito, inaasahang magtitimon si Hector para sa Batch 97 upang dalhin ang kaniyang Team, ngunit tiyak na gagamitin naman ni 2010 MVP Dela Cruz ang kaniyang lakas upang madala muli sa Finals ang Batch 94. Sa Batch 98, inaasahan na ang galing nina Farrales at Casakit sa fastbreak plays at beteranong laro naman ang gagawin ni Former PBA Referee Garchie Ferrer at Manalac para sa Batch 90. Matapos ang Crossovergame na ito ay lilipat ang Finals sa Bgy Capri Covered Court sa Mayo 29, 2011 magsisimula ng 9:00 ng umaga sa pagtulong na rin ni Honorable Chairman ng Capri na si Arnaldo A. Cando upang lalong kasabikan ang laro at mamalas ng maraming mga tao ang Palaro ng NHS Alumni. Inaasahan na magiging jampacked ang lugar kung saan napakaraming NHS students at fans maging bata man o matanda ang manonood.
THE FINALS UPDATE
Sa wakas at natapos din ang Semis ng Batang Alumni Sportsfest, Palarong Pablik4. Pumasok dito ang Peers of 86 at ang Reinforced 83. Ang Peers of 86 o Tropang Pablik Batch 86 ay uhaw sa sa kampeonato at di nakapasok ang Top 1 at 2 na Batch 87 at 85. Matatandaang nabigo ang Batch 86 noong 2008 ng mag tie at talunin ito ng Batch 85 sa quotient system. Pumasok ang Batch 85 sa Finals at napunta ang Batch 86 laban sa Republic 80's selections. Nakuha naman nito ang Third Place. Sa Palarong 2009 ay minalas na hindi makapasok ang Batch 86 sa Final 4 at sa Palarong 2010 ay sinuwerte namang makapasok sa Finals ng Batch 86 laban sa Batch 88 ngunit nabigo ito sa kampeonato. Sa Finals na darating ay inaasahang gagana ang loob at labas ng Reinforced 83. Si Lagarde ang inaasahang babato ng mga tres behind the arc at si Bauda naman sa loob. Maaring makatulong nito sina Ely at Analupa sa inside the paint. Inaasahan naman sa takbuhan ang beteranong si Ripo at Adolfo. Sa panig naman ng Batch 86 ay may loob at labas din. SIna Agcopra at Poliquit para sa perimeter at si Fajardo sa sentro. Sina Velasco, Flores at Ducusin naman ang makakatulong nito. Ang Reinforced 83 ay kinabibilangan ng mga beteranong manlalaro na bagamat may mga edad na ay maasahan pa rin sa laro. Si Adolfo ay kabilang sa Champion Team na Talisman noong 2009 ay nagpapakitang gilas din sa point guard position. Tiyak na magiging maganda ang laban na ito at kasasabikan ng mga manonood. Di naman matatawaran ang pagiging showy ng manlalarong si Poliquit ng 86 na sa bawat lay up niya ay may kasamang porma na ikinatutuwa ng manonood. Di nakapaglaro si Poliquit noong 2009 at 2010 sapagkat nasa Saudi Arabia ang atleta. Inaasahan din ang power move ni Flores na binansagang idol ang bumangga giba sa kaniyang matipunong katawan. Iniinda pa rin ni Velasco ng 86 ang kaniyang injury, ngunit kailangan niyang makatulong sa team sa laban na ito. Maganda ang ipinakita nito noong semis sa kabila ng kaniyang karamdamam sa kaniyang consistent free throw shots at inside the paint. Nariyan din naman ang mga boarding vintage shot ni Ely para sa 83 at ang mga matutulis na tres ni Lagarde. Inaasahan din ang mga put back ni Bauda ng 83 at ni Ducusin naman para sa 86. So mga ka batch at ka alumni tara at manood na sa darating Sunday Special bago ito ay atin ding malasin ang laban ng Batch 87 at 85 sa third place.
BATCH 95 MAY PAG-ASA PA
Nanalo ang Batch 95 laban sa early qualifier Batch 90 sa pagtatapos ng elimination round ng Battle of the 90's. nagkaroon ng 5-4 panalo talo ang nasabing koponan. Matatag pa rin naman ang Batch 90 sa kanilang hawak na 7-3 panalo talo card sa pagtatapos ng eliminasyon. Umaasa ang Batch 95 na talunin ng Batch 91 ang Batch 94 sa kanilang huling laban upang magkaroon ng triple tie quotient system ang tatlo sa 6-4 panalo at talo. May hawak na 6-3 panalo talo ang Batch 94 at 5-4 naman ang batch 91. Sa larong iyon magbabase ang Batch 95. Kung matalo ang batch 91 ay awtomatikong Batch 94 ang papasok sa Top 4 slot sa kanilang 7-3 record at lalabanan ang Batch 97 na nasa Top 1. Nakasisiguro naman na maglalaban ang Batch 98 at Batch 90 na naglalaro sa Top 2 at 3 spot.
BATCH 86 AT REINFORCED 83 SA FINALS NG 2011 PALARONG PABLIK
Nagwagi ang Batch 86 laban sa Batch 87. Tinako ng Top 4 ang Top 1 sa unang Semis duel ng dalawang koponan. Sa unang yugto ay halos dalawang minuto na di nakakabuslo ang dalawang koponan. Ipinasok ni Fajardo ang unang basket para sa 2-0 iskor may 8 minuto sa unang yugto. Nagpalitan na ng pukol ang dalawang koponan. Mapapansing puro labas ang tira ng Batch 87 at sa loob naman ang Batch 86. Mas malalaki kasi ang huli. Naglaro rin ang sentrong si Almonte para sa Batch 86 upang makatulong sa rebound plays. Nakuha ng batch 87 ang kalamangan sa pagtitimon ni Ferrer at sa mga buslo sa tres ni Herrera at Palma. Bumitaw din ng tres at power put back si Eclipse. Kumakamada naman si Poliquit at Ducusin para sa 86. Natigil ang laro sa second quarter ng bumuhos ang malakas na ulan sa ganap na 3:23PM. Lamang nun ang Batch 87 sa iskor na 33-27 may 1:25 pa sa yugtong iyon. Pinasok kasi ito ng anggi kaya nabasa ang hardcourt. Nagsimula uli ang laro sa ganap 5PM. Matapos ang huling minuto ng third quarter ay nagsimula ng mag foul ang mga Batch 87 sa 86 sa mga power move ni Velasco. Maagang nabigyan ng Penalty ang nasabing koponan. Di na rin makakuha ng tira sina Herrera at Palma sa malupit na depensa nila Ducusin at Fajardo na makailang beses makabutata ang huli. Ibinalik si Ferrer sa kalagitnaan ng third quarter upang matimunan ang Batch 87 ngunit laging nilang na foul ang mga rebound ni Velasco kapag sila ay namimintis. Anim na free throw shot ang naibuslo ni Velasco bago matapos ang 3rd quarter at lamang na ang Batch 86 ng tatlo sa iskor na 52-49. Pagpasok ng fourth ay humataw na ang Batch 86 sa mga tira ng 86 sa fastbreak plays. tigdalawa dito kay Flores at Velasco at tatlo kay Agcopra para 14-6 run ng Batch 86. Napilitan ng mag Time out ng Batch 87 sa kanilang malatang opensa at depensa. Bumitaw naman ng tres si Ferrer at running jumper si Palma para sa 87 pero 6 back to back points ang ginawa naman ni Fajardo para sa 86 na di nasasagot ng batch 87 sa kanilang mga posesyon. Pagpasok ng last 2 minute ay may iskor na 69-59 lamang na ang Batch 86. Napako kasi ang Batch 87 sa 59 . Nakakuha ng freethrow sa act of shooting si Ferrer at naibuslo ang 2 shots para sa iskor na 71-61. Inubos naman ng Batch 86 ang oras at nakakuha ng foul para sa penalty free throw si Velasco. Naibuslo nito ang isa para sa 72-61. Nakakuha rin si Herrera ng penalty shot ngunit isa lang ang naipasok para sa 72-62. Nag foul din ang batch 87 kay Ducusin at naitira nito ang penalty shot na isa. Nabigyan din ng penalty shot si Jimenez ngunit isa rin ang naipasok. Unti unti ng naubos ang oras at nanalo na nga ang Batch 86 at unang nakapasok sa Finals sa iskor na 73-63. Sa isa pang Semis game ay nanalo naman ang Reinforced 83 laban sa Batch 85. Si Bauda ng 83 ang naging susi sa tagumpay para talunin ang Batch 85. Nag double double performance ang malaking mama sa rebounds at puntos. Sa huling 27 segundo ng laro ay may iskor na 63-61 lamang ang 83 at graduate na si Bauda, namintis ang tira ng 83 at kaagad nag fastbreak ang Batch 85, ipinasa agad ni Pablo ang bola dala ni Dalistan ang bola pababa at ng ilay up na ito ay nabantayan ng husto dahilan upang ipasa niya pabalik ang bola. Inaasahan niya na may kakamping sumusunod sa kaniya ngunit wala at napunta kay Analupa ang bola. Doon na nag foul ang batch 85 upang mahinto ang oras. Naibuslo ni Analupa ang dalawang penalty shot para sa iskor na 65-61. Na foul naman si Dalistan pabalik at binigyan din ng penalty shot may 5 segundo na lamang ang nalalabi. Naibuslo nito ang una at namintis ang pangalawa. Nag agawan sa bola sina Ely at Martinez katulong si Lagarde ngunit napunta kay Martinez. Tumira kaagad ito at pilit na humahanap ng foul beating shot ngunit wala ng naitawag at di rin pumasok ang bola. Natalo ang Top 2 sa Top 3 sa larong iyon na napagwagian ng Reinforced Batch 83 sa iskor na 65-62. Maglalaban ang dalawang nagwagi sa semis sa darating na linggo Mayo 29, 2011. Hindi pa nagagawa ang oras ng iskedyul habang hinihintay ang crossover ng mga Batch 90's semis games. Maglalaban naman sa Battle for third ang Batch 87 at Batch 85 na siya ring naglaban noong nakaraang taon na napagwagian ng Batch 85. Abangan ang mga kapana panabik na laro sa pagpapatuloy ng Batang Alumni Palarong Pablik 4.
94 NANALO, 2000 BAGSAK NA
Sa pagkapanalo ng defending champion Batch 94 ay kumikig pa ito sa pang apat sa kanilang 6-3 panalo talo, at nawalan ng pag asa ang Batch 2000 sa kanilang 5-5 record sa pagtatapos ng eliminasyon. Humahabol naman na magka anim na panalo ang Batch 91 at 95 na may parehong 5-4 panalo at talo at maaring mag 3-way tie sa Top 4. Nagkatalo naman ang Batch 97 sa kamay ng Batch 95 at nawalan ng tiyansa na makuha ang twice to beat advantage sa semis. Nagkapanalo naman ulit ang 91 laban sa semis qualifier na 98 kung kaya't humahabol pa ito. Inaabangan ang huling pagtutuos ng na delay na laro ng Batch 91 vs Batch 94 upang makita na ang qualify sa Top 4 slot sa naghihintay na Batch 97, 98 at 90 para sa semis. Lalabanan naman ngayon ng Batch 90 sa naghahabol ding Batch 95 upang makahabol sa 3-way tie quotient system and win by the other format. Maaaring sa susunod na sabado na na ang crossover ng 90's at Finals naman ng lahat sa linggo Mayo 29,2011.
NO MORE TOMORROW
Apat na team ang mag lalaban sa Semis Sunday Special sa darating na linggo sa ganap na alas dos ng hapon sa pagpapatuloy ng Palaro para sa Battle of the 80's. Makailang beses ding nag eensayo ang bawat koponan na Batch 85, 86, 87 at Reinforced 83. Madalas sa St. Francis Covered Court nag eensayo ang 87 at sa Isaura Court naman ang 86 at 85. Sa Villa Nova naman ang 83. Patatagan ng resistensiya ang labanan sa laro at matira ang matibay sa laban ng 86 at 87 sa unang game. Susundan ito ng 83 at 85. Nitong sabado ay nag ensayo ang point guard ng 87 na si Tabong Ferrer at Boy Gayon kalaban ang off guard ng 86 na si Ison. Nakita rin ang sentrong si Reyes ng 86 at si Ely ng 83 sa pag eensayo sa Isaura Covered Court. Ang nasabing mga manlalaro ay miembro ng Saturaday Club na naglalaro sa Isaura Covered Court. Talas ng mata at bilis ang labanan ng 87 at 86 at inside the paint at rebounds naman ang labanan ng 85 at 83. Inaasahan na dudumugin ito ng mga fans at ka batch ng bawat koponan sapagkat masasabing "no more tomorrow" ang larong ito na daan patungo sa laban para kampeonato.
BATCH 80's SEMIS KAPANAPANABIK BACK TO ZERO
Natapos din ang mga laro sa battle of the 80's. Nanguna ang Batch 87 sa Top1 at pumangalawa ang Batch 85 sa Top 2. Sumunod naman ang Batch 83 sa Top 3 at nasa Top 4 ang Batch 86. Susundin ang Format na 1 versus 4 at 2 versus 3. Isang game lang ang Crossover na ito. Back to Zero ang labanan kung kaya't tiyak na kapana-panabik ang bawat laban. Inaasahang dudumugin ito ng kanilang mga Batch mates at fans. Makikitang isang talo lamang ang Batch 87 at ito ay sa kamay ng Batch 86. Patas ang labanan sa line up ng dalawang koponang ito sa laki ng mga manlalaro at sa bilis mandin. Inaasahang iikot ang laro ng mga ito fastbreak at perimeter shots. Inaasahang magpapakitang gilas sina Ferrer at Palma ng 87 sa fastbreak at katapat ito nina Agcopra at Poliquit para naman sa 86. Sisikapin naman nila Fajardo at Almonte ng 86 na masustena ang ilalim ngunit nandiyan din sina Peralta at Tubaon ng 87 na malalakas sa loob. Nagpapakundisyon din sina Ducusin at Velasco ng 86 at tiyak na tatapatan ito nina Estologa at Herrera ng 87.Sa kabilang Semis game ay lalabas na patas din ang labanan. May dalawang higante ang bawat koponang ito, sa una nilang pagtatagpo ng Batch 85 at 83 ay tinalo nito ang huli ngunit wala pa roon si Bauda ang sentrong naging susi ng sunod sunod na panalo ng Reinforced 83. Masusubukan ng Batch 85 ang lakas ng Big three ng 83 na sina Analupa, Bauda at Ely. Di naman tiyak pasasapaw sina Martinez, Pablo at Dalistan. No more tomorrow ang laban na ito ika nga. Mabubura lahat ng pangarap na mag kampeon kung sakaling matalo. Inaasahang pisikal ang bawat laban at mahalaga ang bawat kilos ng mga atleta. Sa ngayon ay nagiisip na ang bawat koponan ng mga istratehiya para sa larong darating at alamin natin ang resulta sa darating na linggo.
TINALO NG BATA ANG MAS MATANDA
Sa pagpapatuloy ng laro sa Category A Batch 90's ayon sa ulat ni Sports Announcer Alfredo Reyes ay tinalo ng pinakabatang Team sa liga na Batch 2000 ang pinaka matanda na Batch 90. Kumakatok pa ang Batch 2000 sa Final 4 kung maipanalo pa nila ang mga nalalabing laro. Kampante naman ang Batch 90 sa kanilang 7-2 panalo at talo na nakasisiguro na sa Final 4. Trumabaho ng husto si Rodriguez at Salon para sa 2000 at naungusan nito ang team nila former PBA referee Garchie Ferrer at beteranong si Manalac at Caballero. Ginamitan ni Coach Tamayo ng bilis ang laro at sinamantala ang lakas ng nakababatang Batch 2000 sa kanilang mga kuya. Sa ibang mga laro kumakatok pa rin ang Batch 95 sa Final 4 ng talunin nito ang team 92 na unti unting umiikli ang tsansa sa Final 4. Naantala naman ang pinakahihintay na laban ng Batch 91 at Batch 94 dahil sa malakas na pag-ulan. Mas sumabik ang laban ng hindi makalaro ang dalawang koponang ito daan upang lalong sumigla ang nanalong Batch 95 at 2000 na may parehong 4-4 panalo at talo sa katatapos lamang na mga laro.
BATCH 91 & 94 NAGHAHABULAN
Inaasahang magiging maganda ang laban ng Batch 91 at 94 sa darating na sabado, Naghahabulan kasi ang mga ito upang maging pang apat sa pagpapatuloy ng laro ng Batch 90.s Category A. Matatandaang Defending Champion ang batch 94 at Third Place naman ang Batch 91 noong nakaraang taon. Inaasahan ni Coach Eugene Salazar ng Batch 91 na gagana ang kaniyang mga Aces na sina Villadores, Brutas at Tabbay. Di naman pahuhuli ang former MVP na sina Dela Cruz upang iangat ang Batch 94. Mahigpitan pa ang labanan sa 11 teams na ito sa. Masasabing Batch 96 at 93 pa lamang ang na eelimininated sa rounds at maaring mandamay na lang ang mga ito sa kanilang natitirang laro. May tatlong koponan pa lamang ang sigurado sa Final 4. Maglalaban laban pa ang limang teams para pumangapat, ito ang batches 91, 94, 95,99 at 2000. Sa mga darating na laro ang bawat panalo ay mahalaga at ang bawat talo ay magpapabagsak sa bawat koponan, sapagkat bilang na lamang ang kanilang mga laro. Butas naman ng karayom ang daraanan ng Batch 99 at inaasahan na lamang ang ang mag 4-way tie upang makakuha ng tiyansa sa Top 4.
Delikado rin ang Batch 95 at 2000 sa kanilang apat na talo. Gaganapin nitong darating na sabado May 14 ang laban ng 91 at 94 sa ganap na 2:30PM at inaasahang susuporta ang kanilang mga ka batch sa laban na ito at makikita kung sino ang ANGAT sa dalawa.
ISANG LATHALAIN
Walang iskedyul ng laro ang Batch 85 sa darating na linggo. Naghihintay lamang sila ng kanilang kalaban. Kasalukuyang nasa Top 2 ang nasabing koponan at makakabangga nila ang Top 3 sa Semis na maaring Batch 83 o Batch 86. Sa pagkakataong iyon na sila ay walang laro, ay mag eensayo sila sa darating na linggo upang mapaghandaan ang kanilang Crossover Game. Matatandaang tinalo nila ang Batch 86 sa elimination round, ito ay dahil sa kakulangan ng malalaking manlalaro ng Batch 86 at medyo minalas ang kanilang power forward na si Velasco. Malaking dagok ang malalaking manlalaro ng Batch 85 na sina Pablo at Martinez na kung ilang beses pinagsasabay sa laro. Idagdag pa dito ang nagbabalik ganda ng laro ni Castillo para sa kanilang koponan. Hindi naman matatawaran ang kanilang mga forward na sina Dalistan, Manalansan at Escano na walang pagod magtrabaho sa kanilang koponan. Matatandaang marami ang manlalaro ng Batch 85, ngunit ilan sa mga ito ang di nakakapaglaro, mahigpitan kasi ang bawat laban ng koponan at kailangan i mentena ang kanilang mga pambato sa bawat laro kaya ang resulta ay pumasok sila sa Top 2 ng liga. ganoon din ang nangyayari sa ilang koponan, marami rin ang nababangko sa bawat laro ngunit lahat ay pawang masaya kapag nagwawagi ang kanilang koponan at naiintindihan nila ang ganitong sitwasyon, pagkatapos ay magkakaroon pa ng kaunting salu-salo sa basketball court. Alam natin na ang motibo ng Palaro ay maging masaya at magkita kita ang bawat isa, pero sa tema ng mga laro ngayon, nais ipakita ng bawat isa na ang kanilang Batch ay mas angat sa iba sa larangan ng Basketball. Diyan mapapansin ang batch 83 na nilahukan pa ng ilang mababang Batches bilang reinforcement. Dinaig pa nila ang batch 88 na defending Champion noong nakaraang taon. Nariyan din na maungusan nila ang Batch 89 na pinakabata sa Category B na bumagsak sa eliminasyon. Maraming haka haka na mahirap talagang talunin ang isang koponan na Reinforcement, gaya ng Talisman noong 2009 na nag Champion din. Ang Batch 83 ay di nabuo noong magsisimula pa lamang kung kaya pinag pulungan na para makasali at lagyan ng ilang manlalaro na kukunin sa mas mababang Batch sa 82, sapagkat ang Batch 82 ay nabuo. Sa ganoong sistema ay nakuha nila ang ilang serbisyo ng mga Batch 81, 79 at 77. Batid natin na mas matatanda ang mga kuyang ito ngunit sila ay pawang mga beterano sa larangan ng laro at may kisig pa rin ng katawan. Ito ay naging Challenge sa mga mas batang atleta ng NHS. Makikita rito si Analupa na kung ilang beses napabilang sa liga noong kalakasan pa niya. Ang malaking si Bauda na halos makipagsabayan sa mga mas batang manlalaro na nahihigitan niya pa. Si Lagarde na kung kumilos ay parang batch 90's, ang bilis ni Ripo na sa kaniyang mga puting buhok ay iisipin pang 25 anyos lamang kung tumakbo. Lahat ng mga ito ay namalas ng mga manonood hindi lang ng mga manlalaro kundi ng ilang mga taong nanonood ng liga. Sa mga pangyayaring nagaganap ay humanga ang ilang mga estudyante sa palarong ito. ginaya rin ng ilang pribadong iskwelahan ang Palarong nangyayari. Nagbunyi rin ang kasalukuyang mga istudyante ng Nova High sa mga kaganapang ito, at nais nilang sana ay magpatuloy ito ay umabot sa kanila kapag sila ay naging Alumni na rin. Sa mga fans ng bawat teams, manood ng laro tuwing sabado at linggo sa Isaura Covered Court, kung saan pinayagan tayong doon ganapin sa pakikipagusap ng Host Team Batch 84 at sa suporta na rin ng ating butihing Kapitan Joe Visaya & Staffs at ng mga Isaura Homeowners Association na nanonood din sa tuwing may laro. Malasin din ang galing ng ating Sports Announcer sa laro na si Alfredo Reyes ng Batch 86 na siyang magpapatindig ng inyong balahibo sa galing ng kaniyang pananalita sa liga. Sa mga mga NHS Alumni MABUHAY TAYO!.
SCHEDULES OF GAMES
May 14, 2011 @ Doña Isaura Covered Court
1:00 - 2:30PM Batch 95 vs Batch 92
2:30 - 4:00PM Batch 91 vs Batch 94
4:00 0 5:30PM Batch 90 vs Batch 2000
May 15, 2011 @ Doña Isaura Covered Court
9:00 - 10:30AM Batch 94 vs Batch 92
10:30 - 12:00NN Batch 93 vs Batch 96
12:00 - 1:00PM BREAKTIME
1:00-2:30PM Batch 97 vs Batch 2000
2:30 - 4:00PM Batch 91 vs Batch 99
4:00 - 5:30PM Batch 84 vs Batch 88 (No bearing game)
5:30 - 7:00PM Batch 82 vs Batch 86 (no bearing game for 82, positioning for 86 in the Final 4)
7:00 - 8:30PM Batch 83 vs Batch 89 (no bearing for game 89, positioning for 83 in the Final 4)
Batch 87 Top 1 waiting for Top 4 in the Crossover 1 game Semis
Batch 85 Top 2 waiting for Top 3 in the Crossover 1 game Semis
BATCH 83 HUMAHAGUPIT, FINAL 4 BUO NA
Magkasunod na panalo ang ginawa ng Reinforced Batch 83 sa pagpapatuloy ng palaro. Tinalo nito ang Batch 86 at nakalasap ng dalawang magkasunod na talo. SA umpisa ng laro ay nakipagtagisan na agad ng low post shot ang Batch 83 sa 86. Humataw ang mga sentrong sina Bauda at Ely para sa 86. may injury naman si Velasco kung kaya di ito nakapag laro sa unang yugto. Naglaro naman ang bagong sentro ng 86 na si Fajardo. Nagpalitan ng pukol ang mga manlalaro hanggang sa lumamang ang 86 ng lima may 3 minuto sa 2nd quarter. Naantala naman ang laro dahil sa malakas na ulan ng halos isang oras. Natigil ang laban sa 46-45 matapos ang 5 puntos na ginawa ni Lagarde ng 83 at napababa nito ang lamang ng Batch 86. Halos isang oras din naantala ang laro. Sa pagpasok ng third quarter ay dumating naman si Flores at pumasok na si Velasco para sa Batch 86. Lumamang muli ang batch 83 sa kalagitnaan ng third quarter ng 54-47 may 4 minuto sa 3rd quarter. Pinilit humabol ng 86 sa mga pukol Agcopra at lay up ni Fajardo ngunit nasasagot ito nila Ely at Analupa ng 83. SA ikaapat na yugto pumutok ang three point shot ni Lagarde para sa 83 at nanatili ang lamang ng 83 sa walong puntos. Humabol naman ang 86 sa mga pukol muli ni Agcopra at power lay up ni Ducusin. Isang fast brake naman ang ginawa ni Poliquit upang tumabla ang laro sa 70 all may 6 minuto sa laro sa 4th quarter. walang nagawa ang 86 kundi mag foul at si Lagarde ang napunta sa Free Throw line. Naipasok nito ang isa para sa 76-72 iskor lamang ang 83. Sa huling dalawang minuto ay isang tres ang ibinuslo ni Aldolfo para sa 78-72 ang iskor matapos ang time out ng 86. Pinalitan muna ni Ison si Flores at isang assist ang ibinigay nito kay Poliquit para sa isang tres na pumasok upang lumapit ang 86 sa iskor na 78-75 may 1 minuto sa laro. Na steal naman ni Agcopra at na i layup upang bumaba ang lamang sa 78-77. Inilabas kaagad ng 83 ang bola at nakuha ni Analupa, kaagad na nag foul si Ducusin rito ngunit isang maling kilos ang ginawa ni Analupa na aktong ginamitan ng siko ang depensa ni Ducusin. Kinalma ng mga referee ang nag-init na si Coach Junar ng makita ito. Binigyan ng technical ang ginawang iyon ni Analupa may 40 segundo sa nalalabing oras sa laro. Binigyan ng free throw si Analupa para sa foul ni Ducusin. Naibuslo nito ang isa para sa 79-77 iskor. Binigyan naman ng technical free throw si Ducusin at naibuslo nito ang isa para sa 79-78 lamang na lamang ng isa ang 83. Posesyon pa rin ng 86 ang bola may 40 segundo sa laro, nakuha ni Agcopra ang bola at ipinasa kay Flores at nakitang libre si Poliquit at ibinuslo sa tres ang bola ngunit di ito pumasok. Bumalik sa depensa ang 86 at dito na muling tinamaan ang injury ni Velasco ng ma steal nito ang bola at ininda nito ang sakit. Inilabas si Velasco at dito na naubos ang oras ng 86 kaya nag foul na ito kay Bauda. Naibuslo nito ang penalty shot para sa 81-78 iskor at dito na natapos ang laro ng maubusan na ng oras ang Batch 86.Sa pagkatalong iyon ng 86 ay nakatabla nito ang 83 sa 4-2 panalo talo at posibleng maging top 3 or 4 ang dalawa na magdedepende sa kanilang mga huling laro. Nag eliminate naman ang tatlo pang koponan kasama ng Batch 84 dahil sa kanilang 4 na talo. Sa unang laro ay tinalo naman ng Top 1 Batch 87 ang Batch 88 na siyang nagpababa sa posisyon nitong 3-4 panalo talo. Manalo man ang Batch 82 sa huling laban sa 86 ay di na rin ito makakapasok sa Final 4 sa kanilang apat na talo. Kung manalo naman ang batch 86 at matalo ang Batch 83 sa 89 magiging Top 3 ang 86 at Top 4 ang 83. Kung sakali namang magtabla sa ranking ang 83 at 86 sa 4-3 or 5-2 win loss ay magiging Top 3 ang 83 at Top 4 naman ang 86 sa win by the other format. Buo na ang Final 4 at naghahanap na lang ng kanilang Crossover game ang Top 1 B87 at Top 2 B85. Matatandaang tinalo ng 86 ang 87 at tinalo naman ng 85 ang 86m tinalo naman ng 87 ang 83 at tinalo naman ng huli ang 86 kaya tiyak na magiging kapana panabik ang pairing ng mga ito sa semi final.
BATCH 86 NAGHAHANDA NA
Pinaghahandaan ng Batch 86 ang dalawang huling laban. Laban sa Batch 83 at Batch 82. Mapapansing matatag pa ang standing ng tatlong team na ito para makapasok sa Final 4. Sa huling laban ng Batch 86 kontra sa Batch 85 na pinagwagian ng huli. Mapapansin na kulang sa laki ng tao sa loob ang Batch 86. Di na kasi nakapaglaro ang kanilang mga sentro tulad ng 6 footer na si Almonte at 5"11 na si Mendoza. Kulang sa panapat sa mga 6 footer ng Batch 85 na sina Pablo at Martinez. SA kanilang laban sa darating na linggo ay kukunin nila ang serbisyo ng 6 footer na si Fajardo, NHS section 5 ng Batch 86. Pananapat nila ito sa six footer na si Bauda ng Batch 83. Pipilitin naman nila Velasco at Ducusin na tapatan ang depensa nila Analupa at Ely ng Batch 83. Mapapansin din ang bilis ng mga beteranong sina Lagarde, Sanchez at Ripo para sa Batch 83 kaya't pinaghahandaan ito ng mabibilis na manlalaro ng 86 na sina Agcopra, Poliquit at Ison. Nagbabatak naman ngayon si Reyes at Grenio ng 86 upang paghandaan ang depensang ilalaan sa mga forward ng 83 na sina Palazo at Adolfo. Magiging krusyal ang laban na ito para sa batch 86 at Batch 83 at tinitiyak ng mga manonood na magiging maganda ang laban. Gaganapin ang laban sa May 8 sa ganap na alas 7:00 ng gabi, Mauuna ang ilang laban gaya ng Batch 87 laban sa Batch 88 na isa pa ring krusyal na laban. Pipilitin ng Batch 88 na iwasan ang pagka elimina sa Final 4 at iiwasan ang posibleng tatlong sunod na talo. Para sa Batch 87 ay magiging no bearing game ito sa kanilang kasiguraduhan sa Final 4 sa hawak na 5-1 panalo at talo.
FINAL 4 NAGHAHABULAN, MAHIGPITAN
Sa pagpapatuloy ng laro sa Palarong Pablik Battle of the 80's ay mahigpitan ang labanan patungo sa Final 4. Nakasisiguro na ang Batch 87 sa kanilang 5 wins para makapasok sa Final 4. At maglalabu labo ang natitira pang apat na teams. Tanging Batch 84 pa lamang ang na eelimina sa kanilang limang talo. May 4-1 win loss card ang Batch 86 at kung matalo ang kanilang two games laban sa Batch 83 at Batch 82 ay magiging 4-3 win loss card ang Batch 86 sa pagtatapos ng kanilang laro, at magiging 3-3 naman ang Batch 82 at 4-2 ang Batch 83 na may tig isang laro pa laban sa Batch 89. Kapag nanalo naman ang Batch 89 sa 82 at 83 match na iyon ay aakyat sa 3-4 win loss ang 82 katabla ang 89 at safe na 4-3 naman ang 83 sa pagtatapos ng eliminasyon. Samakatuwid maaaring mag 3-way tie ang batch 82,89 at ang 88 sakaling manalo sa 84 at matalo naman sa nangungunang Batch 87 sa pagtatapos ng eliminasyon, ito ay kukunin sa quotient system kung sino ang pang apat. May huling laban naman ang Batch 88 sa Batch 87 at 88 at kapag nanalo naman ang Batch 88 sa huling dalawang laro ay babagsak ito sa 4-3 at kung matalo ng isa ay para naman sa 3-way tie kasama ang Batch 86 kung matalo ng dalawang sunod at Batch 83 at Batch 85 kung matalo ng isa pa. May huling laban pa kasi ang Batch 85 sa Batch 84.Ito ay ibabase rin sa quotient system. Samakatuwid ang pag-asa ng Batch 89 ay makatabla sa 3-4 win loss card 3-way para magkapag-asa sa final 4 via quotient system.
Butas din ng karayom ang daraanan ng batch 88 sa 2-3 win loss card nilang hawak. Kailangang maipanalo ng batch 88 ang laban sa 87 at 84 upang maging 4-3 win loss card ang huli at ipanalanging matalo ang batch 85 sa 84 at matalo ng kahit isa lang ang Batch 83 para makatabla sa 3-way tie at 4-3 win, ito ay daraanin sa quotient system rule . Kung manalo naman ang Batch 85 aangat ito sa 5-2 at maiiwan sa 2 way tie lang ang 88 at 83 at 4-3 win loss card ay dadaanin sa win by the other format at pipiliing pumasok ang 83 kaysa 88 dahil tinalo nila ang huli.
Kapag naipanalo naman ng Batch 82 ang kanilang huling laban sila ay magkakaroon ng 4-3 win loss card maaring katabla ang Batch 86, 83,88 at 85 para 5 way tie bukas para sa Top 2,3,4 slot.
Kailangan namang manalo pa ng kahit isa lamang ang Batch 86 upang makaiwas sa 4-3 win loss 3-way tie dahil Magic 5 wins ang kailangan sa Final 4. Kung manalo naman ng dalawa ay masisiguro ng 86 ang Top1 sumunod ang 87 maari namang magtabla ang 83, 88 at 82 sa 4-3 win loss card pa rin.
Maari pa ring bumagsak ang isa sa tatlong na team na ito. Talagang mahigpitan ang labanan sa pagpapatuloy ng Palarong Pablik Batang Alumni 2011. Sa madaling salita is anybody's ball game, pwede pang pumasok ang Batch 89 at pwede pa ring bumagsak ang Batch 82,83,88 at 86 sa labanan.
BATCH 85 TINALO ANG BATCH 86 SA UNANG PAGKAKATAON
Nadungisan ang rank ng Batch 86 ng talunin ito ng Batch 85 sa mahigpitang labanan noong linggo. Matatandaang hindi pa nanalo ang Batch 85 sa batch 86 mula pa noong 2008. Sa simula pa lamang ng labanan ay humataw kaagad ang Batch 85 ng 6-0 run. Nasagot ito ng Batch 86 makalipas ang dalawang minuto sa simula ng unang yugto sa dalawang magkasunod na lay-up ni Poliquit. Pinilit ng Batch 86 na makalamang sa kalaban ngunit sadyang mapuwersa sa laro ang dalawang twin tower ng Batch 85 na sina Martinez at Pablo. Napababa ng Batch 86 ang lamang sa tatlo sa iskor na 15-12 matapos ang dalawang fastbreak points ni Agcopra at Ison. Sa pangalawang yugto ay umalagwa na ang Batch 85 sa mga iskor ni Castano at Dalistan. Umabot ang kalamangan sa pinakamataas na 55-40 sa kalagitnaan ng laro. Napababa ito ng batch 86 sa walong kalamangan ngunit pumapasok naman ang mga tira ni Castillo at Manalansan para sa Batch 85. Nabigyan ng playing time ang former NHS MVP 1985 na si Rennel "Cabron" Castillo sa larong iyon. Napilayan naman si Flores ng Batch 86 makaraang matawagan ito ng reach in foul laban kay Castano. Tila sarado naman ang ring sa mga put back ni Velasco at tres ni Ison at Poliquit at di nagawang maibuslo ang bola. Nag graduate ang dalawang twin tower ng Batch 86 sa huling minuto ng laro ngunit hawak nila ang kalamangan sa 71-61 at sumandig ang Batch 85 sa kanilang paggamit ng oras. Gumana naman ang kamay ni Agcopra sa kaniyang mga running lay ups ngunit lamang pa rin ang Batch 85 ng walo sa huling 2 minuto.Habang naghahabol ay pumabor naman ang bola sa rebounds para sa batch 85 kapag sila ay namimintis sa tira ay nakukuha muli at naibubuslo sa ring. Nag tres si Poliquit sa huling 2:30 oras sa laro ngunit isang side shot ni Castillo ang nagpadagdag sa kalamangan ng batch 85. Walang nagawa ang Batch 86 kundi dalhin sa penalty ang laban upang matigil ang oras matapos di maibuslo ng batch 86 ang kanilang mga three point shot sa huli na nooy nasa 79-73 ang iskor. Pumunta sa freethrow shot si Castillo at naipasok ang isa para sa 80-73 may 33 segundo sa laro. Di naman naibuslo ng batch 86 ang tira sa kanilang posesyon kung kayat nag foul ulit si Ison sa point guard na si Castillo. Nabigyan ulit ito ng tira at naipasok muli ang isa sa iskor na 81-73 may 13 segundo sa laro. Di naman pumasok ang huling tira ni Ison at doon naubos ang oras at nadungisan ng talo ang ranking Batch 86 sa kartadang 4-1 win loss card at nawala ang kanilang twice to beat advantage sakaling walang talo sa eliminasyon. Umakyat naman sa 4-2 win loss card ang Batch 85. Sa unang mga laro nakapagtatakang tinalo ng Reinforced 83 ang Batch 88 at nakalasap ng kanilang dalawang sunod na kabiguan. Di man lamang nakalamang ang Batch 88 sa buong laban. Kumamada si Analupa at ang kanilang bagong tower na si Bauda para sa Reinforced 83. Natawagan pa ng dalawang technical foul si Rosalin ng Batch 88 matapos ang mag-init ang huli sa mga tawag ng referees.Tinalo naman ng crowd favorite Batch 87 ang Host team Batch 84. Naging madali ang laban para sa Batch 87 sa anim lang na manlalaro ng Batch 84. Di naman naglaro ang tatlong ACEs ng Batch 87 na sina Herrera, Jimenez at Ferrer. Pinunan ito ng mga kakamping sina Palma, Estologa at Salgado. Tumibay ang Batch 87 sa Top 1 with 5-1 win loss card at nakasiguro na sa slot para sa Final 4.
BATTLE OF THE 90'S NAGDIDIKITAN NA
Umaatikabo ang laban ngayon linggo ng manalo ulit ang walang talong Batch 97 Chicago Bulls style laban sa kulelat na Batch 93. Nakahinga naman ng pag-asa ang Batch 2000 ng manalo ito laban sa Batch 92 upang maitabla ang ranking sa 2-4 win loss card. Muli na namang natalo ang defending champion Batch 94 laban sa kulelat na batch 96 at humina ang tsansa sa magic 4. Nagpakitang gilas naman ang Batch 99 ng talunin nito ang top 5 na Batch 95. Abangan ang pagpapatuloy ng mga laban sa Palarong Pablik Batang Alumni 2011.
BATCH 90'S ELIMINATION UPDATE
Nanalo ang Batch 90 laban sa Batch 95 kahit wala ang kanilang mga ace players na sina Ferrer at Manalac. Pinunan ito nila Caballero at Ison at di na nagawang iangat ni Roselo at Ferrer ng Batch 95 ang kaniyang koponan. Nanalo ang Batch 90 sa iskor na 57-46 at lumaki ang tsansang makapasok sa Final 4. Nanalo naman ang Batch 98 laban sa Batch 92. Humataw na naman sina Farrales at Casakit para sa Batch 98 upang masiguro ang tsansang makapasok sa Final 4 sa kanilang 6-2 records. Sa regulasyon ng laro ay hawak ng Batch 92 ang momentum sa pamamagitan ng mga power move ni Masbad ngunit nag collapse sa huli at umabot sa OT at dito na natalo ang Batch 92. Nanalo naman muli ang Batch 91 laban sa Batch 93 by default lumaki rin ang tsansa ng huli para sa Final 4 sa kanilang pagkapanalo. Hindi kasi dumating ang Batch 93 sa takdang oras at halos na delay ito ng isang oras. Kabilang na sa eliminated team ang Batch 93 sa kaniyang 1-6 win loss card kasama ang Batch 96. Apat pang team ang hinihintay na ma eliminated sa kanilang single rounds para sa labing isang koponan.
COME FROM BEHIND WIN NG BATCH 86 PARA SA 4-0 WINS
Nagsalpukan ang dalawang malalakas na koponan ng Group B battle of the 80’s sa pagpapatuloy ng Batang Nova High Sportsfest. Ito ang 1st runner up Batch 86 laban sa Defending Champion Batch 88. SA unang salpukan pa lamang ay kinakitaan na ng pisikal na laro ang dalAwang koponan. Lumamang ang batch 86 sa 88 sa iskor na 4-2 sa unang yugto ngunit sa lakas nila Torres, Cunanan at Peñaranda ay nalamangan na ang Batch 86 ng Batch 88 na umabot sa sampung puntos. Maganda ang ipinakitang depensa ng batch 86 ngunit kinapos sila sa opensa sa kalagitynaan ng laro, Makailang beses bumagsak si Flores ng Batch 86 sa kaniyang mga daredevil layups. Nagpakitang gilas naman si Ducusin ng kaniyang lakas sa loob at siya ang naging sandalan ng Batch 86 sa opensa. Nag ambag din si Poliquit at Agcopra ng mga perimeter shots at fastbreaks upang mapababa ang kalamangan ng Batch 86 sa anim na puntos. Sa pagpasok ng third quarter isang fastbreak ang ibinato ni Agcopra kay Ducusin at nilay up ito na may pasabit pa kay Cunanan para sa isang and one play. Itinawag ang 5th foul ni Cunanan kung kaya maaga itong nawala sa laro. Nawalan ng sentro ang batch 88 at pinunan ito ni Ordoñez at Castillo. Sa kalagitnaan ng 4th quarter at hindi makatabala ang batch 86 sa Batch 88 kahit na maagang nag penalty ang huli. Di pumapasok ang ilang mga Free throw ng Batch 86. Sa huling dalawang minuto ay panandaliang ipinahinga ni Coach Junar si Poliquit at binigyan ng instruction at ipinasok rin kaagad matapos ang 40 segundo. Isang foul beater shot ang itinawag ng referee kay Torres laban kay Velasco. Sinigurado ni Velasco ang dalawang freethrow para sa iskor na 66-65 isa na lamang ang kalamangan ng Batch 88 may 1:10 natitira sa laro. Ito ang pinakamalapit na iskor ng Batch 86 sa Batch 88 magmula ng 3 minuto sa 1st quarter ng laro. Di naman naka opensa ang Batch 88 kung kaya nakuha ng Batch 86 ang bola 1 minuto pa sa laro. Nalibre si Poliquit sa kanan sa labas ng three point area at ipinasa ito ni Agcopra, inasinta nito ang goal at bago dumating ang depensa ay nakawala na ang bola, umikot ikot ito sa ring at pumasok para malasap ng Batch 86 ang 2 puntos na kalamangan sa 68-66 may 50 segundo pa sa laro. Maagang nag penalty ang Batch 88 kung kayat’ di madikit ang mga ito sa depensa. Nagmintis muli ang Batch 88 sa kanilang opensiba at na rebound ni Ducusin, ipinasa kay Velasco at ibinigay kay Agcopra na na foul sa pag dribble nito. Binigyan ng free throw si Agcopra at na split ang Charity para sa iskor na 69-66 lamang na ang Batch 86 ng tatlo may 15 segundo sa laro. Tumawag ng huling Time Out ang Batch 88 sa kanilang opensa. May 2 foul pa ang Batch 86 para gamitin para sa penalty at para maubos ang oras, ngunit dali daling sumalaksak sa gilid si Ordoñez at na foul sa aktong titira. Binigyan ng penalty shot si Ordoñez ngunit isa lang ang naipasok para sa 69-67 iskor may 11 segundo sa laro. Dali dali naming nag foul ang Batch 88 sa nagdadala ng bolang si Agcopra at binigyan muli ng penalty shot na naipasok ng huli para sa 71-67 iskor may 8 segundo pa sa laro. Wala ng Time Out ang batch 88 makalipas ang Free throw ni Agcopra kung kaya dali dali nitong inin-bound ang bola ngunit naagaw muli ni Agcopra na ipinasa kay Ducusin na ipinasa naman kay Velasco at dito na inubos nila ang oras. Nagwagi come from behind ang batch 86 laban sa Batch 88 para sa kanilang 4-0 win loss card. Bumagsak naman sa 3-2 win loss card ang Batch 88. Sa unang laro pisikal na laban din ang nangyari sa Batch 87 laban sa Batch 85. Dikitan ang laban at nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Torres ng batch 87 laban kay Boy Martinez ng Batch 85, Inilabas si Torres at si Tubaon naman ang nagbantay kay Martinez. Ginamitan ng lakas ng Batch 85 ang Batch 87 ngunit di paawat ang hot shots ni Palma ng Batch 87 para sa kaniyang mga three point shots na walang depensa. Nagkainitan muli ang si Tubaon at Martinez, nagkagulo ngunit naawat ng mga referee, Makikitang pumasok si Torres sa court upang confrontahin muli si Martinez at dito na pina eject si Torres out of the playing court. Sa pamamagitan ng mga pisikal na depensa ni Jimenez ng Batch 87 ay nahirapan si Pablo at Martinez na umopensa. Maganda naman ang ipinakita ni Ferrer ng Batch 87 upang maiayos ang pagtitimon ng kaniyang koponan. Nag collapse sa huli ang batch 85 nalamangan na kasi ito ng malaki at nalasap nila ang pangalawang kabiguan sa laro sa kanilang 3-2 win loss card. Napatatag naman ng Batch 87 ang kanilang 4-1 win loss card. Nagwagi naman ang Batch 89 para sa kanilang 1-4 win loss card laban sa Batch 84 na may 0-4 win loss card upang magkaroon ng unang panalo sa laro.
Sa Batch 90’s na mga laro. Nagwagi ang walang talong batch 97 at dinungisan ang wala rin talong Batch 90 na nakalasap ng unang kabiguan. Tinalo naman ng batch 99 ang Batch 92, umuusok naman ang batch 98 ng talunin ang defending Champion Batch 94 noong sabado at muling tinalo ang Batch 96 ng lingo. Lumabo ang tsansa ng Batch 96 sa final 4 kanilang 1-5 win loss card. May 6-2 win loss card ang batch 98 ngayon. Tumatag naman ang Batch 95 ng talunin ang Batch 93. Nakapgtatakang natalo na naman by 1 point ang batang Batch 2000 laban sa Batch 91, makalilang beses na itong matalo sa 1 point margin, laban sa Batch 90, Batch 95 at batch 91 ngayon may apat na silang talo ngayon. Abangan pa ang ilang kapanapanabik na mga laro sa pagpapatuloy ng Palarong Pablik 4, Batang Nova High Alumni Sportsfest. Hosted by Batch 84.
BATCH 86 PARA SA 3-0 CARD
Bagamat pagod at puyat ang mga Batch 86 player dahil sa kanilang 25th Silver Anniversary makalipas ang gabing iyon ay nagawa pa rin ng Batch 86 na talunin ang Host Team batch 84. Kinakitaan ng lakas ang batch 86 sa kalagitnaan ng unang yugto. Huli nang dumating ang ilang manlalaro ng batch 86. May 18-11 sa 2nd quarter. Ipinasok kaagad ni Coach Arceo si Ison sa laro at kinakitaan ito ng magandang performance para sa kaniyang 14 points salvo a 2nd quarter alone. Lumamang ang Batch 86 dito ng 12 puntos, Gumawa rin sina Flores, Velasco at Poliquit upang tumibay ang kalamangan ng Batch 86. Matitikas na rebound play ang ibinigay ni Ducusin sa laro at nanalo na nga ang batch 86 sa Batch 84 sa iskor na 56-83. Nag ambag ng 20 puntos si Ison para sa kaniyang conference high, sinundan ito ni Poliquit para sa 17 puntos at 12 mula kay Velasco.Kinakitaan naman ng naman ng 18 puntos ni Chua para sa Batch 84.
Sa ibang mga laro umikli na ang tsansa ng batch 89 upang makapasok sa Final 4 sa kanilang pagkatalo sa batch 85. Kinakitaan ng lakas si Martinez sa loob at mga rebound play ni Pablo upang gupuin ang Team 89. Hindi na kinaya ng mga main man ng 89 na sina Cabigao, Sumait at Vargas upang lamangan ang maraming manlalaro ng Batch 85. Nanalo ang 85 sa iskor na 78-71 para sa kanilang 3-1 win loss card. Bumagsak naman sa 0-4 ang batch 89..
BATCH 90 NAKASILAT MULI
Nasilat muli ng Batch 90 ang isang laban kontra defending champion batch 94 via overtime. Sa mahigpitan pakikipagtunggali ay naging see saw battle ang labanan ng dalawang koponan. Pimamunuan ni garchie Ferrer ang opensiba ng Batch 90's. Sa huling 4 segundo bago mag OT ay tabla ang laban. Ipinasa ni Mañalac ang bola sa kaniyang kakampi sa isang inbound play malapit sa sa ring ngunit na deflect ito ni 2010 MVP Eddie Boy dela Cruz ngunit napatama niya ito sa board na nakuha naman ng Batch 90 na si Caballero upang ma ibuslo sa malapit na ring bago maubos ang oras upang tumabla sa Batch 94. Sa OT regulation ay naging dikitan din ang laban ngunit napagwagian ito ng Batch 90 sa iskor na 96-94 OT win over Batch 94 sila ay may 4-0 win loss card. Sa ibang mga larom nagwagi ang Batch 98 para sa kanilang tatlong sunod na panalo kontra Batch 93. Tinalo naman ng Batch 96 ang Batch 99 sa 82-62 score. Umuusok naman ang Batch 87 upang talunin ang Batch 82 sa iskor na 80-57. Nagkaroon naman ng panalo ang uhaw na batch 91 kontra Batch 92 sa iskor na 90-82.
PALARO UPDATE
Patuloy na rumaratsada ang batch 90, tinalo nito ang Batch 93 para sa kanilang 3-0 kartada.
Sa ibang mga laro. Dalawang sunod na panalo ang ginawa ng Batch 98 matapos ang dalawang sunod na kabiguan. Tinimunan ni Farrales, Bautista at Casakit ang koponan upang talunin ang pinakabatang Batch 2000 nina Salon at Rodriguez noong sabado. Kinalingguhan naman ay muling tinalo ng 98 ang mas batang Batch 99 na naghahanap pa rin ng panalo. Sa iba pang mga laro ay nanaig ang Batch 97 Bulls Replica ng talunin ang defending Champion batch 94 nina Dela Cruz. Natalo naman muli ang Batch 91 ni Coach Eugene Salazar kontra sa Batch 95. abangan pa ang mga susunod na laro sa pagpapatuloy ng Batang Nova High Sportsfest.
BATCH 90 NAKA SULOT MULI
Mula sa sulot na panalo sa Batch 91 noong una nilang laro ay nakasulot muli ang Batch 90 sa kanilang Bracket walang iba kundi ang Batch 98 na nagkamit ng pangalawang kabiguan sa pagpapatuloy ng Batang Nova High Sportsfest. ito ang pangalawang panalo ng Batch 90, ang pinaka matanda sa Bracket 90's. Sa unang yugto ng laban ay kinakitaan na ng pisikal na laro ang kanilang power forward na si Garchi Ferrer na siyang bayani ng kanilang panalo noon kontra Batch 91 sa tulong ng kanilang sentro na si Mañalac. Di naman nakapaglaro ang isa pang forward na si Ison dahil out of town ito. Makailang beses ring bumagsak ang mga manlalaro ng 90 at 98 sa cement court ngunit sa kabutihang palad ay walang nasasaktan. Di naman nagpahuli ang tandem ng Batch 98 na sina Farrales at Casakit sa kanilang mga fastbreak plays. Matitinding assist ang ginawa ni Farrales sa pagtitimon sa koponan ng 98 kung kaya't umabot ang kalamangan ng ng 98 sa 12 puntos kontra Batch 90. Sa pagtutulong tulong nila Caballero at Ferrer ay napababa nila ito sa pagtatapos nang 1st half sa iskor na 33-27 lamang ang Batch 98. Sa pagpasok ng 3rd quarter ay kumamada naman si Mañalac ng 8 salvo para sa Batch 90 at naitabla ng balikbayang kakampi na si Valera ang laban para sa kaniyang unang puntos sa iskor na 41 all ngunit di pa rin nag padaig sina Casakit at Farrales upang makagawa ng mga puntos. Natapos ang third quarter sa iskor na 49-45 lamang pa rin ang Batch 98. Kumamada ulit si Valera ng puntos sa 4th quarter para sa 61-60 upang makalamang sa 98. Nag free throw naman sa isang act of shooting play si Casakit at na i convert ang basket para sa 62-61 upang makalamang muli ang batch 98 may 2:12 sa laro. Tinawagan naman ng act of shooting foul ang sentro ng 98 na si Bautista laban kay Mañalac na siyang ikinagalit nito kung kaya natawagan ng Technical Foul. Lamang ang Batch 98 ng isa sa iskor na 62-61 may 1:55 oras sa laro ng i convert ni Mañalac ang dalawang technical shot para sa 63-62 lamang na ang Batch 90. Binigyan muli ng two shots si Mañalac para sa kaniyang act of shooting foul at na ibuslo muli sa iskor na 65-62 tatlo na ang kalamangan ng batch 90. Ibinigay pa rin ang posesyon ng bola sa batch 90 bilang kaparusahan sa technical foul ni Bautista kanina lamang kung kaya inubos ng Batch 90 ang oras sa kanilang posesyon ngunit di nila naibuslo ang bola may 1:30 sa laro. Sa kabilang play ay hirap na maiikot ng Batch 98 ang bola sa depensa ng batch 90. Nakatatlong foul ang batch 90 kung kaya nag Penalty na ang kanilang koponan. Huli nilang na foul ang point guard na si Rabaya ng Batch 98 kung kaya binigyan ito ng freethrow shot na naibuslo ng huli para sa iskor na 65-64 isa na lamang ang kalamangan ng batch 90 may 20 segundo pa sa laro. Humingi ng Time out ang Batch 90 upang makagawa ng play. Nag foul ang 98 kay Dela Cruz ng Batch 90 at binigyan ng penalty shot ngunit namintis ang dalawang tira may 8 segundo sa laro. Nakuha naman ni Farrales ang rebound at ipinasa kay Petallo na ipinasa ng cross fast sa kalagitnaan sa nauunang kakampi ngunit ubod lakas na na-steal ni Ferrer ang pasa at walang nagawa ang Batch 98 kundi ang mag foul. Binigyan ng two freethrow si Ferrer at naibuslo nito sa iskor na 67-64 may 3 segundo sa laro at wala ng timeout ang Batch 98. Nakatira pa ang Batch 98 na si Casakit ngunit tumama lang ito sa Board kasunod ng final buzzer. Nanalo ang Batch 90 sa iskor na 67-64
Sa mga iba pang laro ay nanalo ang batch 97 kontra Batch 99 at dinaig ng batch 94 ang Batch 93 sa iskor na 87-63. Dinaig naman ng Reinforced 83 ang Host Batch 84 sa 75-52. Sa mga oras na ito ay naglalaban pa ang Batch 85 at Batch 82.
Abangan ang mga kapanapanabik pang mga laro sa pagpapatuloy ng Palarong Pablik Batang Alumni Sportsfest.
BATCH 86 MULING TINALO ANG BATCH 87
Umaatikabo ang laban ng Batch 86 at Batch 87 noong nakaraang lingo, Marso 19,2011. Sa unang mga segundo pa lamang ay nakakuha na ng foul ang Batch87 sa isang follow up shot ni Ison na nana ibuslo ang dalawang free throw para sa 2-0 iskor sa panimula ng unang yugto na sinundan ng isang lay up ni Flores at three point shot ni Agcopra. Naging pisikal ang laban at na delay ang laro ng mga limang minuto sa unang yugto pa lamang ng magka banggaan sina Ferrer ng Batch 87 at Flores ng Batch 86 sa isang fast break lay up ni Flores na tinawagan ng Offensive Foul na amang noon ang Batch 86 sa iskor na 35-18 apat na minuto pa sa unang yugto. Kaagad naming umepensiba ang 87 sa tulong nila Herrera at Jimenez. Di naman nila mapigil ang pananalasa ni Flores sa mga lay ups at nakakakuha pa ng mga counted fouls. Umatake rin si Velasco ng mga tira inside the paint at ang mga free throws ni Grenio. Di naman matatawaran ang laki ng pangangatawan ni Ducusin sa kaniyang mahigpit na depensa at ang mga tapal ni Reyes sa mga shooter ng batch 87. Naging maganda rin ang depensa ng Batch 86 sa kanilang man to man defense s autos na rin ng kanilang Coach na Jhunar Arceo. Napababa ni Herrera ang kalamangan ng Batch 86 sa pagtatapos ng pangalawang yugto sa kaniyang mga power lay ups para sa 6-0 run. Natapos ang pangalawang yugto sa iskor na 51-42 lamang pa rin ang Batch 86.
Sa pagpasok ng pangatlong yugto isang 7-0 run ang ginawa ni Palma ng Batch 87 sa kaniyang dalawang three points at isang running jumper upang mapababa ang kalamangan ng Batch 86 sa 51-49. Tumawag ng time out si Coach Jhunar upang payuhan ang kaniyang mga manlalaro. Napigilan si Palma ng tauhin na ito at doon ay nadagdagan na naman ulit ang kalamangan Batch 86 sa iskor na 62-49 at tumawag na ng time out ang batch 87. Sa huling yugto ay naging dikitan ang labanan sa mga tira ni Herrera ,Jimenez at Palma sa iskor na 62-60 dalawa na lamang ang kalamangan ng Batch 86 mat tatlong minuto pa sa laro at doon na ginamitan ng oras ng Batch 86 ang bawat posesyon na na three points pa ni Agcopra bago maabutan ng 24 seconds violation para sa iskor na 60-65. Di naman na ipasok ni Ferrer ang kaniyang 4- feet jumper sa gitna at na rebound ni Velasco ang bola dahilan upang mag foul na ang batch 87 para matigil ang oras may 2 minuto pa sa laro. Naipasok ni Velasco ang dalawang free throw para sa 67-60. Kaagad namang nag lay up si Jimenez para sa 67-62 at nag foul ulit kay Velasco na naibuslo ang dalawang free throw para sa 69-62. Patuloy na nag mintis ang mga bitaw ni Ferrer sa three point lane kung kaya na rerebound ni Velasco ang bola.Apat na free throw pa ang nagawa ni Velasco para sa mga penalty shots na ikinaubos na ng oras upang manalo ang Batch 86 laban sa Batch 87 sa iskor na 73-64.
Sa mga unang laro ay nanalo ang batch 85 laban sa Reinforced 83. Sa kahabaan ng laro ay hawak ng 83 ang pananalasa sa laro sa tulong ng mga malalaking sina Analupa at Ely ngunit tumukod na rin sa huli ng magpakawala ng mga fast break si Dalistan para sa Batch 85. Kumamada ito ng ma foul counted shot at running lay ups ng magraduate si Martinez. Sa huling 3 minuto ay napako ang Batch 83 sa 57 laban sa 62 sa limang kalamangan ng Batch 85. Nagtulong tulong si Castaño, Pablo at Dalistan upang dagdagan ang kalamangan ng Batch 85 para sa 71-57 iskor may 2 minuto pa sa laro. Di pa rin sumuko si Adolfo at Analupa ngunit dinagdagan naman ito ng lay up ni Manalansan para sa batch 85. Pinilit naman ni Ripo na maka lay up ngunit di na ito pumasok para sa Batch 83 .Di na mahabol ng mga manlalaro ng 83 ang mabilis na takbo ng mabibilis na manlalaro ng 85 na sina Flores at Dalistan isama pa rito ang mga rebound ni Pablo at Manalansan at pagtitimon sa laro ng mahusay na si Castaño.Natapos ang iskor sa 75-65.
Nanalo rin ang Batch 82 laban sa Batch 84. Sa mga batang manlalarong alumni ay tinalo ng Defending Champion Batch 94 ang batch 95. Giniba naman ng Batch 2000 ang Batch 99 sa kanilang unang laro. Di naman umubra ang ang batch 96 sa mas may edad na Batch 92 upang manalo ang batch 92 sa kanilang unang laro
Noong sabado Marso 19 ay naging krusyal naman ang laban sa pagitan ng Batch 90 at 91 ni Coach Eugene Salazar na noo'y pumangatlo sa Palarong Pablik 2010. Naging kampante ang Batch 90 sa unang yugto sa kanilang mga madadaling tira ngunit na depensahan ng Batch 91 at doon ay naging dikitan ang laban. Kumamada sina Ferrer at Ison para sa batch 90 at sina Marcadejas, Lugtu at Brutas naman para sa Batch 91. Sa pagpasok ng pangalawang yugto ay umarangkada ang batch 91 at halos umabot ang lamang nito sa 18 puntos sa kahabaan ng laro matitikas na perimeter shot ang ipinamalas ni Marcadejas at mga power lay up ni Brutas isama pa rito ang mabilis na fastbreak points ni Lugtu. Sa huling 15 segundo ay apat na lamang ang kalamangan ng batch 91 ng makagawa ng isang fast break lay up si Ferrer upang maging dalawa na lamang ang lamang. Di naman naka buslo ang Batch 91 sa kabila at naka tira naman si Caballero para sa Batch 90 ng isang foul counted shot may 3 segundo nalalabi sa laro at tumabla na ang laro. Bumitaw si Glen Caballero ng bonus shot ngunit na mintis ngunit ubod lakas na nag rebound si Garchi Ferrer at na I follow ang bola para sa dalawang kalamangan ng Batch 90 at doon ay naubos na ang oras sapagkat wala ng time out ang batch 91. Nanalo ang Batch 90 sa larong iyon.
KAMPEON TINALO ANG KAMPEON
Nagsalpukan ang dalawang kampeon sa pagsisimula ng labanan ng Palarong Pablik ng mga Batang Nova High Alumni. Ang kampeon ng 2008 na Batch 85 laban sa kampeong ng 2010 na Batch 88. Sa pagsisimula ng unang yugto ay kinakitaan kaagad ng mga lakas sa ilalim si Martinez ng B85 at di naman nagpadaig sina Cunanan at Torres ng B88. Dikitan ang naging laban hanggang sa huling isang minuto ng laro. May isang puntos na kalamangan na lamang ang B88 sa iskor na 51-50 at hawak ni Flores ng B85 ang bola ng tawagan ito ng travelling matapos makatawid sa center court. Na foul naman ng B85 si B88 Ordonez sa kabilang play kaya binigyan ito ng two free throw shot na naisbuslo naman ng huli sa iskor na 53-50 may 45 segundo na lamang sa laro.. Nag fast break kaagad ang B85 at naipasa kay Pablo sa isang running lay up upang bumaba ang kalamangan ng B88 sa isang puntos puntos na lamang sa iskor na 53-52. Sa fast break na ginawa ng B88 ay na foul nila si B88 Rosalin habang pasugod ito sa basket at binigyan ng 2 free throw shots sa kanilang Penalty Situation may 30 segundo na lamang sa laro. Naibuslo ni Rosalin ang dalawang free throw kung kaya umakyat sa tatlo ang kalamangan ng B88 sa iskor na 55-52. Humingi ng Time Out ang Batch 85 upang mainbound ang bola sa center court 20 segundo na lamang ang nalalabi. Naiikot ng B85 ang bola hanggang makuha ni Dalistan ang play at dali daling pumasok sa loob sa isang lay up shots upang bumaba ang kalamangan muli sa isang puntos 55-54. Dali dali namang na foul si B88 Custodio upang mahinto ang oras 10 segundo na lamang sa laro. Nag Split Charity si Custodio sa free throw sa iskor na 56-54 lamang pa rin ang B88 may 10 segundo na lamang sa laro na rebound ni Martinez ang bola at ipinasa kay Dalistan para sa isang desperation three point ngunit nag mintis at nakuha ng Batch 88 ang bola kasunod ng Final Buzzer. Nanalo ang Batch 88 laban sa Batch 85 sa iskor na 56-54. Sa ibang mga laro nanalo ang Reinforced Batch 83 laban sa Batch 82. Dinaig naman ng Batch 98 ang Batch 95 sa pamumuno ni Paulo Farrales.
4th Palarong Pablik Hosted By Batch '84
Novaliches High School Batch '84 will be hosting this year's 4th Palarong Pablik 2011 to be held this coming March. All batch coordinators are invited to attend the general meeting at NHS grounds on Sunday, January 16, 2011 at 1:00PM.
Batch 86 Team Members, Naghahanda na!
Naghahanda na ang Batch 86 Team para sa kanilang pakikihamok sa darating na laro ngayon Marso 2011. Inihanda ng Batch 84 ang Palarong Pablik 4 bilang Host Team matapos isalin dito ng Batch 85 ang pagiging Host noong nakaraang taon. Napabalitang sasabak din sa laro ang mga datihang koponang sumali. Ang Batch 86 Team sa pangunguna ni Coach Junar Arceo ay gumawa na ng kanilang Team lists at ito ang mga sumusunod:
Primitivo "Junar" Arceo - Coach
Rene "Ener" Velasco - Captain Ball
Roel "Tektek" Ducusin
Alfredo "Peds: Reyes
Emmanuel "Manny" Ison
Raul "Bono" Mendoza
Norman "White" Palma
Arnel "Giant" Almonte
Michael "Cael" Agcopra
Ramon "Monjels" Flores
Boy "Pamada" Grenio
Peter "Hangtime" Poliquit
Ric "Bara" Barraceros
Ronald "Dimple" Bredez
Mario "Blackjack" Asumbrado
Joey "JJ" Julaton
Edison "Cer" Ceriola
Albert "Abet" Montealto
Edgardo "Egay Austria"
Onie "Astig" Suela
Ang ilan sa mga manlalarong ito ay nasa ibayong dagat. Inaasahang uuwi ang iba upang makapaglaro. Ang ilan naman ay inaasahang paminsan minsan ding maglalaro upang mapunan ang ilang di kayang magalaro sa iskedyul.
4th Palarong Pablik Hosted By Batch 1984
Novaliches High School Batch '84 will be hosting this year's 4th Palarong Pablik 2011 to be held this coming March 2011. All batch coordinators are invited to attend the general meeting at NHS grounds on Sunday, January 16, 2011 at 1:00PM.
Batch 92 naman sa Bracket 90's. Abangan na lamang ang update sa Hostings.